darkcipher

Joined: July 14, 2013 (3 years old)
Writings: 50

Send Private Message Send PM · Male · Offline

Description:
"I love Halloween. the one time in a year where everyone wears a mask not just me.
people think its fun to pretend that youre a monster. me, i spend my life pretending im not."
Signature Text:
BXB
Writings submitted by the author (50)
1 of 5

Hiram (Huling Bahagi)

Submitted by on December 14, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , ,

At ang oras ay dumating na,
Gaya ng isang sakuna;
Pero kung tutuosin nga
Ay mas masalimuot pa.

"Hanggang dito na lang tayo,"
Naalala kong sabi mo;
At doon ko napagtanto-
Pag-ibig mo'y di totoo.

Ako'y napasakarimlan,
Mula ng iyong iniwanan;
Ang panahong hiram naman,
Di mababalik kaylanman.

Akin ngang isinangguni,
Kung mas mainam magbigti;
Sa'yong pag-ibig ay sawi,
Sa aki'y ano pang nalabi?...

Hiram (Ikalawang Bahagi)

Submitted by on December 13, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: ,

Pinili kong ibigin ka,
Kahit na ba magkaiba-
Sa aki'y idinidikta
Ng isip ko at konsensya.

Ano pang masasabi ko?
Bukod sa "ako di'y tao,"
Kung sa inyo'y mali ito:
Mamatay na ipokrito.

Ang ating pagmamahalan,
Nawa'y magpawalang-hanggan;
Kahit ating nalalaman,
Na malubak ating daan.

Kung dilim ma'y pumarini,
Subukan tayong magapi;
Wag kang magbakasakali-
Ni magduda ng sandali.

...

Hiram

Submitted by on December 7, 2016 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , ,

Ako nga ay nagtataka-
Kung bakit gantong nadarama;
Kahit di ka pa nakita,
Parang ikay iniibig na.

Sadya nga bang mapagbiro
Ang tadhana at ang mundo?
Sa dinamidaming tao,
Sa'yo pa ako napako.

Akin namang nalalaman,
Pati't nauunawaan;
Na ang iyong kalagayan
Di pwedeng pang isahan.

Ngunit akin ngang pinili,
Na karununga'y ikubli-
Ang tino'y iisang tabi:
Saka na lang magsisi.

Copyright:MgaTula ni Beano...

Pagbabago..?

Submitted by on October 20, 2016 (5 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , , ,

Ako'y nakatayo sa dakong ito,
Naghihintay na mag-iba ang mundo;
Nagbabakasakali na magbago,
Pati rin gawi ng mga tao.

Ngunit sa paghintay ba'y may resulta?
O ito'y mauuwi rin sa wala?
Dahil sa nakagawiang sistema,
Ay hindi na rin ako makalaya.

Madali lang ang maging karaniwan,
Tatanggapin lang kung anong nariyan;
Anumang higit ay huwag asahan,
Ang kagalinga'y wag pahalagahan.

Ngunit ako'y dumating sa punto,
Na ibig ko na nga ng pagbabago;
Wag gugulin ang buhay ng ganito-
Walang maiwang bakas parang animo.

Kaya't ninanais ko ang humusay,
Maging bihasa sa isa mang bagay;
Kung kulangin man sa talentong taglay,
Sa pagsusumikap ay wag magsinsay.

Pero di ko kaya to ng mag-isa,
Kakailanganin ko ng kasama;
Ngunit sa aking paghanap ay wala,
Paano ko kaya yun magagawa?...

Only God Knows Why

Submitted by on March 18, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , , ,

Only God Knows WhySa aking paglakad sa buhay na ito,
Madami din akong nakahalubilo,
May iba't-ibang uri ng mga tao:
May mga hayop na nasa katawang tao.

Akin ngang batid na ang tao'y di perpekto,
Kahit anong lapit, ito'y nalalayo;
Gumawa man ng mainam at ng buo-
Makakakitaan ng pagkukulang 'to.

Ako nga'y may ipapamanhik sa inyo;
Na ako'y tao din naman na tulad ninyo-
Sa paghatol nyo nawa ay mailayo,
Pagka't talastas kong paghatol nyo'y liko.

Heto ako humaharap, nakatayo,
Nagsasalitang walang halong lilo,
Sapagkat ayaw kong kayo'y mangalito,
Sa kabuoan ng aking ikukwento.

Pagka't ako'y may iwi-iwing kung ano,
May kinikimkim dito sa aking puso,
Nagtitimpi na lang na 'wag masabi 'to,
At baka ikagunaw ng aking mundo.

Ngunit dumating ako sa ganitong punto:
Na ang damdamin ay di na maitago,
Kaya sana bago lumisan sa mundo:
Sana'y madinig nyo ang saloobin ko....

Muli

Submitted by on March 6, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , ,

Kung maaari lamang na maititik at maisulat,
Ang mga pangyayari sa ating buhay at maging aklat-
Sa aking tingin ang ilang kabanata ay di sasapat;
Upang maikuwento ng walang pagsisinsay ang lahat.

Pagkat madaming pinagdaanan ating pag-iibigan;
Mga panahong nagtalo'y di na din mabilang kung ilan,
Dumating din sa punto na pag-ibig ay pinalamigan-
Sa sobrang lamig ay muntik nang humantong sa hiwalayan.

Kung sa panahong yaon ay muling tumibok ang puso mo;
HIndi kita masisisi pagkat gayon din naman ako,
Sadya nga yata talagang marupok ang mga puso-
Na dumadanas ng di kawatang kalumbayan sa mundong ito.

Ngunit tama nga ba sila sa kanilang akala?
Na ang tinatawag na tadhana ay mapaglaro talaga?
Pagkat pagkatapos ng lahat at ang bagyo'y humupa na-
Ay heto na tayong dalawa muli gaya noong umpisa

Sa Kanya nga'y aking pinapanalangin at hinihiling;
Na nawa'y sa 'ting mga mata'y mawaksi ang mga tabing-
at ikaw ay huwag nang mahiwalay pa sa aking piling:
Loobin Mo nawa na dinggin ang aking mumunting daing.

XXXXXXXXXXXXXXXXxxxxxxxxxxXXXXXXXXXXXXXXxxxxxxxxxxxxxxxXXXXXXXXXXXxxxxxxx

Poems, like jokes, should be shared freely. that said, this poet would just like to ask anyone whom would like to share this poem, to at least give a nod and acknowledge the poet.
the poem is also posted in the poet's FBPage...

Changes..Pagbabago

Submitted by on February 25, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

People say that change is inevitable,
Para lang ding oras na hinahabol;
And it is something that's unavoidable,
Kung panong ang panaho'y may tagsibol.

I wasn't expecting you would change sooner,
Gaya ng kulay ng pintura sa pader;
Even though back then you'd said you would never,
Parang pangako ng nahuling drayber.

Indeed change is constantly up and dancin',
Laging naryan sa paligid parang hangin;
It just keep goin around swayin,
Na nakaduduling lang ng paningin.

====================================================================

poems, like jokes, should be free for all to use. but lets not forget to give credit where credit is due. and for everything else, there's mastercard- accepted in major stores worldwide.

the poem is also posted in the poet's fbpage...

Daing

Submitted by on December 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Hindi ko alam kung bakit
Sa'yo'y matindi ang kapit,
Kahit na gan'to sinapit;
Heto at nagpupumilit.

Ilang beses nang nasaktan,
Madami pang dadaanan;
Narito at lumalaban-
Di ka pa din mabitawan.

Ako man ay nagtataka,
Ano nga bang mayroon ka?
Upang ako'y mapag-iba
Sa 'king nakagawian na.

Masakit man na isipin,
Di na kelangang sabihin,
Ngunit kelangan tanggapin-
Na di ka talaga akin.

Akin lamang hihilingin,
Na sana nga'y marapatin;
Ikaw sana'y mapasaakin,
Bago maghuling habilin.

BXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXB

copyright2015... you are allowed to enjoy the poem but never,ever share it without the poet's approval. if you chose to post it else where, make sure to notify the poet and acknowledge him in your post. otherwise...

this poem was posted in the poet's fbpage.
 ...

Ganito Yata Nangyari Kay Richard Cory

Submitted by on December 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , ,

Ganito Yata Nangyari Kay Richard CoryPag dumating na ang pagpanaw ko,
Ang magiging dahilan nga nito
Ay atake at sakit sa puso.

Hindi lang sa pagkain ng taba,
O sa ehersisyo'y kinulang na;
Kundi sa iba pang dahilan nga.

'To'y sa pagkimkim ng saloobin,
Problema'y di ugaling sabihin,
At dinadaan sa di pagpansin.

Ngunit hanggang kaylan magtitimpi?
Heto't nagdurugo mga labi,
Upang ang tungayaw ay di masabi.

Oo nakikita kong masaya,
Ngunit ako'y payaso nga di ba?
Natago sa likod ng maskara.

Marahil nga ay matanong ninyo,
"Wala nga bang kaibigan ito?"
Di ko kaylangan ng tagapayo.

Kaya't sa huling yugto ng buhay,
Bago man lang lumagay sa hukay-
Sana'y gumaan ang aking buhay.

BXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXB
copyright2015... you are allowed to enjoy the poem but never,ever share it without the poet's approval. if you chose to post it else where, make sure to notify the poet and acknowledge him in your post. otherwise...

this poem was posted in the poet's fbpage.
 ...

Paano Na? (an ellegy... sort of)

Submitted by on December 14, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

Pano pa kaya ko magpapatuloy?
Sa buhay kong nawalan na ng daloy,
Sa paglakad magmumukhang palaboy.

Pagkat ang dahil ng aking paglaban
Sa buhay na puno ng kalungkutan
Ay natuluyan na nga sa paglisan.

Ang dahil sa pag harap pa sa bukas,
Alaala na lang iniwang bakas,
Di akalaing kami'y magwawakas.

Naalala ko pa aming sumpaan,
Na iibigin hanggang kamatayan,
Ngunit ito nga ba aming hangganan?

Pangakong ibigin syang habambuhay,
Kelangan pa ba nito ng patunay?
Kasama nya ko habang nakaratay.

Ang aking mga hirap na dinanas,
Pilit winawaksi't pinapalayas-
Wag lang makitang ang buhay nya'y magwakas.

Ngayon nga ako'y nagdadalamhati,
Sapagkat nawalan ng kabahagi,
Na para bagang ako ma'y nasawi.

Pano kaya itutuloy ang buhay?
Na ang mga paa mo na'y nagpantay,
Sa ilalim ng lupa nakahimlay.

BXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXBBXB
copyright2015... you are allowed to enjoy the poem but never,ever share it without the poet's approval. if you chose to post it else where, make sure to notify the poet and acknowledge him in your post. otherwise...

this poem was posted in the poet's fbpage.

...

« Prev12345Next »