chinini13

Joined: August 14, 2015 (1 year old)
Writings: 1

Send Private Message Send PM · Female · Offline

Signature Text:
I'm just a moment, so don't let me pass you by.
Writings submitted by the author (1)
1 of 1

Si Bogs at Ang Hardin ng Tadia

Submitted by on November 17, 2016 (4 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Supernatural, Romance, Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Hello! Unang beses ko pa lang magpopost ng story. Please tell me kung may mga mali akong ginawa para maayos ko sa susunod. :D I decided to post this first part of my story para naman mapressure ako dugtungan. Lagi kasing hindi ko natatapos yung mga sinusulat ko eh. Hahaha. Enjoy! :P ~Chinny

****

Napakaliwanag ng paligid. Kulay puti lang ang nakikita ko at may liwanag na di ko alam kung saan nagmumula. May naririnig din akong napakagandang mga himig. Parang mga anghel sa langit.

"Ay. Tangina!" napabulalas ako. "Nasa langit na ba ako? Tangina, ang bata ko pa para mamatay! May chikababes pa akong kikitain sa Lunes!"

Iritang-irita ako. Sinubukan kong maglakad para maghanap ng matatanungan sa nangyayari sa akin. Hanggang sa nakita ko ang isang malaking gintong pintuan dun sa di kalayuan. Tatakbo na sana ako papunta doon nang biglang may sumulpot na isang magandang dilag sa harapan ko. Siya ay nakaputing bestida na may mababang neckline. Kitang-kita ang itaas ng malulusog niyang suso. Napakatamis din ng kanyang mga ngiti sa akin.

"Woah! Bakit ang sexy mo este paano ka napunta dyan harap ko? Sino ka?"

"Kamusta, Bogs? Ako si Arya. Halika, pumasok ka muna dito sa silid."

Biglang may sumulpot naman na maliit na pintuan sa tabi namin. Hindi kasing-elegante ng gintong pinto pero pwede na.

Walang pinagkaiba ang itsura ng loob ng silid at sa labas maliban sa meron ditong magkaharap na puting silya. Um...

1