Pusanggala

Joined: August 15, 2015 (2 years old)
Writings: 13

Send Private Message Send PM · Male · Offline

Writings submitted by the author (14)
1 of 2

Balintataw ng Alaala

Submitted by on January 2, 2018 (13 days ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Balintataw ng Alaala

Akala noong una, ay bibigay ka na
Salamat na lamang at nanghawak
Sa pangakong pagsinta
Habang nabubuhay, iibigin ka

Di ko akalain, ika'y manghahawak
Sa kabila ng pagsubok, ika'y di natinag
Bagkus lalo pang nagliyab
Damdamin mo aking liyag

Dalawang taong singkad ang sa ati'y daratal
Nawa ang dalangin, lalo pang magtumibay
Pagmamahal sa isa't isa lalo pang magsikhay
Hanggang araw ay sumapit, tayo'y di na magwalay

Salamat sa pagmamahal ang aking sambit
Salamat sa tiwala kahit na maliit
Salamat sa oras di mo pinagkakait
Salamat sa pag ibig, sukod hanggang langit

...

A Birthday Poem

Submitted by on December 27, 2017 (20 days ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Disyembre a bente nuwebe, nang ika'y isilang
Prinsesang turing nga iyong mga magulang
Pagkat ang kariktan, sadyang tangi sayo lamang
Oh aking reyna, niyaring aking buhay

Ngayon nga'y sasapit, ang iyong kaarawan
Pangakong sugnayan akin ngang gagampanan
Nang sa ganu'y mabasa, puso ay mahandugan
Nang mumunting ligaya, sa buhay ko ay ilaw

Sa iyong kaarawan akin ngang handog
Ang walang kaparis at papaimbulog
Na pagmamahal, alay ko at dasal
Na sa iyong pagdatal, ikaw ay maka ulayaw...

Nawa'y mapuno ng ibayong ligaya
Ang busilak mong puso, pinuno ng dusa
Nang unang lalaking, nanumpa sa dambana
Na paliligayahin ka at dili magdurusa

Noong una'y totoo, sa kanyang pangako
Ngunit ng lumaon, sya ngang napako
Lahat ng kanyang sinabi, tila ba ipinako
Iginuhit sa tubig, sa ulap nangako

Damdamin ay sinaktan, ikaw ay nagtiis
Para sa mga punla, sayo nga naibinhi
Mag isang tinataguyod, kahit na maduhagi
Sa laban ng buhay, patuloy kang babawi

Di ko sukat akalain ikaw ay makilala
Sa mga panahong ako ay nagdurusa
Hatid mo ay liwanag, sa buhay kong madilim
Puno ng kaguluhan, maging ng panimdiman

Nais kong ipaabot ang aking pagbati
Nang buong pagmamahal at sa yong pagpupunyagi
Walang ibang dalangin, na ikaw ay makapiling
At habang may buhay, sabay nating haharapin......

Huling Hiling

Submitted by on July 23, 2017 (5 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Huling Hiling

ang tulang eto ay hinabi ng aking kamusmusan. Ano mang pagkakatulad o pagkakahawig sa anumang nalathala na o hindi pa ay hindi sinasadya. Akin po etong hinabi sa ilalim ng alyas na Pluma'tDila

Mahal kita pero di na kita pwedeng mahalin
Mga huling katagang sinambit sa akin
Mga luha'y pumatak, mundo'y biglang nawasak
At sa isang iglap, kaluluwa'y nawala sa ulirat

Anong nangyari sa ating sumpaan
Na anuman ang dumatal, walang iwanan
Bagkus kapit bisig nating pagsasaluhan
Pag hanap ng solusyon upang maging matibay

Iiyak na naman ba ang puso kong eto
O luluha ba ang kaluluwa ko
Sa pighating dulot ng iyong paglayo
Sobrang biglaan di maka kibo

Lutang ang isip, mundo'y puno ng karimlan
Na sa ating pag ibig, ngayon nga'y pumanaw
Bakit di na lang kaya ang pagal kong katawan
At ang gulanit na kaluluwa ang kunin ng Maykapal

Di ko na tanda kong paano ngingiti
Kung nawala ang sigla sa aking mga labi
Maging ang lungkot ay di ko na mabali
San pa lulugar ang pusong duhagi

Kung di na kakayanin ng puso't isipan
Kung may oras ka sana ay madalaw
Doon sa himlayang puno ng katahimikan
Kung saan naka ukit aking pangalan
Sa batong marmol, ng aking kamatayan.....

Part 2 Huling Hiling


Sa aking pag panaw nawa'y wag kang luluha
Pagka't pag natanaw...

Unang Kilig

Submitted by on March 3, 2017 (10 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sa bawat kilos ng iyong katawan
Mga mata ko'y lagi nang nakasubaybay
Bawat kilos mo ako ay nakabantay
Umaasang susulyap ka sa aking likmuan

Minsan nga ay nangyari ang aking asam
Nang ika'y mapasulyap sa iyong likuran
Kung saan naroroon abang nagmamahal
Na hanggang sa tingin lamang at di ma iusal

Mga mata'y napako sa yong kagandahan
Para bang diwata nasa aking harapan
Walang kahulilip na kaligayahan
Ang sa damdamin sadyang nag uumapaw

Lumipas mga taon, damdamin ay di natinag
Ni hindi lumabo bagkus lalong nag alab
Pagmamahal sayo kinimkim ng wagas
Kaya hanggang ngayon patuloy kang nililiyag

Crush nga lang ba o pagmamahal
Ang sa pusong eto'y patuloy sa pagbukal
Ni hindi namalayan, oras panahon na lumisan
Tanging ngiti mo lamang nasa aking balintataw

Ni hindi ko mawari kung aking ipapahiwatig
Na sa aking puso ikaw ay iniibig
Ni hindi ko rin masabi nilalaman ng dibdib
Ni magpahaging munti walang lakas, walang gawi

Hanggang umabot sa edad na eto
Tatlumpo't pito nang kalendaryo
Ang lumipas na kinikimkim ko
Ang UNANG KILIG nadama sa iyo

UNANG KILIG
as narrated by SOMEONE, a while ago........

Takip Silim

Submitted by on March 1, 2017 (10 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Muling nagbabalik takipsilim ng nakaraan
Mga paang pagal sa libingan ang tunghay
Muling nanunumbalik sugat na minsan humilam
Sa mga matang kulimlim sa kawalan nakatingin

Luha ay pumapatak, sa pisngi lalandas
Nag uunahang maka alpas sa sakit na dinaranas
Talaga nga bang pag ibig para lang sa iilan
Na totoong walang poreber tanging pagluha lamang

Saan hahantong ang paghakbang na eto
Kung ang kaluluwa ko humiwalay na sa katawan ko
Na tanging hangad lamang makapiling ka ng totoo
Sa buhay kong eto tanging ngiti mo ang nagpabago

Kahit nasasaktan sa mga paratang
Ako'y patuloy sayo'ng magma mahal
Tulad ng pangako kong hindi ka iiwan
Sa kabila ng pagtalikod sa ating sumpaan

Sana ay maramdaman ng iyo ngang puso
Ang tunay na hangarin ng damdaming kong eto
Na walang ibang hinangad kundi ang mahalin mo
At mahalin ka rin hanggang huling hininga ko

Takipsilim na ba eto ng pagmamahalan
Na kahapon lang kay saya ngayon nga ay luhaan
Ligayang walang pagsidlan ngayo'y luha ng panimdiman
Walang kapantay na pagdurusa tanging nararamdaman

Sana ay bawiin ang iyong desisyon
Na ikaw ay lalayo at sa piling ko'y lilisan
Pagkat ang paglayo mo, ay ang kamatayan ko
At ang paglisan mo, ay syang pagkawala ko sa mundo

Takip Silim
as printed on Ang Liwanag series of 2000 at section Pluma at Panitikan...........

Isang Paa Sa Hukay

Submitted by on October 1, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Mabigat ang loob, kaybagal ng hakbang
Nang mga paang dati'y nag uunahan
Na makarating sa patutunguhan
Ngunit sa mga sandaling eto lubhang kay bagal

Kaya naman pala, ang tungo nito
Niyaring mga paa ang dulo ay eroplano
Eroplanong wala ni isa mang upuan dito
Tanging hawakan lamang ang makikita mo

Sa eroplanong eto, ako ay lululan
Papunta sa dako roon na puno ng karimlan
Kapwa Pilipino ang siyang nagpapatayan
Dahil sa magkaibang pananaw at kapangyarihan

Aking tatahakin landas na madilim
Puno ng galit, dugo't pang aalipin
Kelan kaya matatapos ang lahat ng panimdim
Pag pantay na ang paa, at mga mata'y nakasara

Eroplanong ang tiket, tangi at iisa
Ang pag balik sa syudad ewan ko bahala na
Kung mangyayari eto, ako ay magsasaya
Pagkat ang iisang buhay, iningatan ng AMA...

Walong Dangkal ng Pagmamahal

Submitted by on September 8, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Walong Dangkal ng Pagmamahal

Pag ibig nga naman sadyang kay tamis
Walang katulad, walang kaparis
Mula sa umpisa sadyang kay lagkit
Mga tinginan para bang napagkit

Indi alintana, layo sa isa't isa
Ni iniisip, yari ngang distansya
Tanging mahalaga, sa bawat isa
Me ngiti sa labi, sa tuwi tuwina

Balang naisin sa isipan ay iisa
Maging mga balakin tugmang tugma talaga
Kaya nga damdamin, puso ay iisa
Ang itinitibok nito sa yan ang mahalaga

Mga ngiti sa labi, indi mapapalis
Nang anumang pagsubok sa buhay dumaplis
Lagi mong babaunin sa bawat pag alis
Pagmamahalang tunay eto'y walang kawangis...

Pag Ibig sa Unang Tingin

Submitted by on September 2, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Ang mga talatang nakalimbag ay hango sa baul ng kamusmusan



Pag ibig nga ba ang aking nadama
Sa unang tingin nung tayo ay nagkita
Mga ngiti mo ay sadyang sa mata napatda
Indi na napawi hanggang sa gumabi na

Mga ngiti mo ay nagsilbi ngang tanglaw
Sa landasin kong puno niyaring karimlan
Landasing madawag, puno ng karahasan
Sadyang binago mo, unang tingin mo pa lang

Lumaon ang araw ako nga ay nanligaw
Pag ibig na hangarin sayo nga ay pinasaring
Indi ko man pilitin, ika'y buong lambing
Sumagot ng oo pamawi ng panimdim

Araw ay kay tulin lumipas sa sansinukuban
Subalit pag ibig mo, walang kawakasan
Pagkat sa mga araw na dumatal lalo lang tumibay
Pagmamahalan nating puno ng katuwaan

Pagmamahalan nga'y yumabong ng tuluyan
At sa lilim ng mangga, tayo'y nagsumpaan
Mga puso'y inukit nangakong walang iwanan
Hanggang doon sa dulo niyaring walang hanggan

Dumating ang araw na ating itinakda
Pagmamahalan ire atin ngang ilalagda
Sa munting kasulatan, expiry date ay wala
Tanging korte lamang pwedeng magbalewala

Lalo pang yumabong etong pagmamahalan
Sa loob ng tahanang, pundasyo'y pagsusunuran
Pagmamalasakit nga'y isa pang pamamaraan
Upang pag iibigan tumagal ng habang buhay

Dumating ang araw ika'y nagdalangtao
Pinalaki sa sinapupunan, sanggol na tagapagmana ko
Sa loob ng siy...

Dikta ng Pagluha - Trahedya

Submitted by on August 31, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Ang sugnay ng mga talatang eto ay hango sa baul... 

Kahit anong pilit, kayanin ang problema
Sa bawat pag iisa, kinakain ang kaluluwa
Buhay ay mahahapis, saya ay ninipis
Katumbas kalungkutan, pagkaduhagi't pagtitiis

Pag asa'y wala, kaluluwang pata
Kahit piliting bumangon, indi na magawa
Tanging pag asa, hihilahin ka pababa

Ako ba'y titindig pa, o bibigay na lang
At sa pagkakadapa'y di na maninimbang
Bagkus hahayaang buhay ay maparam
Nang mga kadahilanang naglipana sa lipunan

Kaydakila ng mundo, marupok lang ang tao
Kahit anong gawin, pagpa palakas kulang pa rin
Kayang kayang igupo munti mang panimdim
Mata'y pipikit, hininga'y mawawaglit

Darating ang takipsilim sa buhay ninuman
Ang liwanag ay lalamunin, kadilimang may panimdim
Mata'y matitigmak, luha ay babagsak
Buhay ay kikitilin, sa hukay malilibing...

Dikta ng Pagluha

Submitted by on August 25, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Ang akdang eto ay hango sa baul na pinaglumaan na ng panahon ng kamusmusan....

Ang hirap gumawa ng isang talata
Na magdidikta niyaring diwa
Nang sa ganun makahabi ng isang tula
Walang ibang paksa kundi ang PAGLUHA

Pagluha mo'y sadyang, kay sakit tingnan
Tuwing panonoorin doon sa malayuan
Tanging emosyon na nararamdaman
Ibayong sakit, bakit hindi maparam

Pagluha ay sadyang di kayang pigilin
Maging pasya o payo, eto'y di kayang supilin
Babalong at babalong anumang pilit tiisin
Sang laksang damdamin sa puso'y aalipin

Bawat patak nito, ay parang ginto
Sobrang halaga at di matanto
Pagka't ang nasa ika'y indi mapasubo
At hindi masaktan, hayaang masiphayo

Anumang lalim niyaring, mga taludturan
Ang tanging maihahambing ay lalim nang kung saan
Kahit anong pilit, arukin ng isipan
Minsa'y aandap andap, munting kamalayan

Ayoko nang mag isip, yan ang wika
At ang pananahimik, nama'y di alintana
Kung indi magdulot, ng sugat sa madla
San laksang luha, tutulo sa lupa

ang taludturang eto ay aking handog
sa mga pusong sawi na papaimbulog
sa mga nag nanais na muli ay mahulog
sa bitag ng pag ibig, luluha ka ng lubos...

« Prev12Next »